• HRS News

Watchman ng isang construction company, huli pagbebenta ng armas sa Lanao del Norte


Ni Merlyn Manos


ILIGAN CITY (8 September 2020) — Huli sa pagbebenta ng M16 rifle, isang mataas na kalibre ng baril at isang .45 caliber pistol ang isang ‘watchman’ sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte kaninang umaga.


Kinilala ang suspect na si Raul Bantulan, 50 anyos, watchman ng isang construction company.


Ayon kay Atty. Abdul Jamal Dimaporo, hepe ng NBI, matagal na umano nilang narinig ang pangalan na ito na umanoy nagbebenta ng mga loose firearms sa Lanao del Norte, nag offer na ito sa kanilang asset.


Ang offer umano ng suspect ay pinapapadaan sa Facebook para makapamili umano ang mga buyers. Aniya, mahal nga daw sya dahil ang M16 ay binebenta umano sa kanila ng 140 thousand pesos pero pumaya na sa 100 thousand at ang kalibre.45 ay binigay ng 25 thousand.


Kaya ikinasa nila kaagad ang entrapment operation. Meron pa sana silang kukunin pero hindi na nila itinuloy dahil baka raw sila ma entrap sa mga kasabwat nito.


Tahasan namang inamin ng suspect na kanya ang caliber .45 pero ang M16 ay hindi sa kanya at bibigyan lang umano sya ng 5 thousand dito.


Aniya nagawa lang umano niya ito dahil sa gipit umano sila dahil patigil tigil ang trabaho nila. Pambili umano ng pagkain sa kanila at ngayon din umano ang kanyang kaarawan. Magsisi man umano sya ay huli na ang lahat.


Nahaharap ang suspect sa kasong illegal possession of firearms at selling. Ayon kay Atty. Dimaporo, ang mga ganitong klase ng baril ay hindi pinapayagang mag bail.

1,129 views0 comments

Recent Posts

See All