• HRS News

Sangguniang Kabataan, inilunsad ang ‘Thank You, Frontliners’


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE — Nag-abot ng suporta ang mga opisyales at miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation ng munisipyo sa gitna ng patuloy na kinakaharap na krisis ng bansa.


Ang aktibidad ay parte ng paglulunsad ng Thank You Frontliners Activity.


Sa pangunguna ni SK Federated President Marjune Carballo, dinalhan ng pagkain ng mga kabataan ang kapulisan, mga duktor at nars, barangay health emergency workers at disaster response teams ng munisipyo kung saan sila naka duty.

Ayon kay Carballo, malaki ang ambag ng mga frontliners sa krisis na dulot ng coronavirus disease o COVID-19.


“Our frontliners and health workers have proven their worth in our country. They play very important roles in this pandemic. We have noticed their struggles, their sacrifices and they’re even risking their lives just to secure others,” pahayag ni Carballo.


(Ipinakita ng mga frontliners at health workers ang halaga nila sa bansa. Napakalaki ng ambag at tulong nila sa pandemyang ito. Nakikita natin ang kanilang paghihirap at mga sakripisyo at nasa delikado ang kanilang buhay para lang maisalba ang iba).


Dagdag ni Carballo, ang aktibidad ay ginawa bilang pasasalamat sa mga frontliners.


“And so, the #ThankYouFrontliners Activity done by our SKs is our way of showing our deepest gratitude to them,” aniya.


(Itong #ThankYouFrontliners activity na ginawa ng mga SK ay pagpapakita ng aming pasasalamat sa kanila).

Malaking tulong itong inisyatibo ngayong panahong dumadami ang kaso ng local transmission sa lalawigan at marami sa mga medical at non-medical frontliners ang napapagod na sa kanilang trabaho. Ang aksiyon na ito ay hudyat ng pagsuporta ng iba’t ibang sektor ng lipunan kasama ang kabataan habang binabayo ng matinding krisis ang mga komunidad.



48 views0 comments

Recent Posts

See All