• HRS News

PH Army, nagpatakbo ng Ronda Probinsya Program sa Sarangani


PRESS RELEASE


MALAPATAN, SARANGGANI PROVINCE — Namahagi ng mga pagkain at kagamitan sa mga miyembro ng Canvas Juan Farmers Association at kanilang pamilya sa Sitio Lanao Kapanglao, Brgy. Datal Bukay, Glan, Sarangani Province ang 73rd Infantry Battalion kasama ang grupo ni Congressman Rogelio Pacquiao.


Ang mga ibinahaging ayuda ay binubuo ng 12 na sako ng bigas, 6 na kahon ng Chick Loaf, 1 rolyo ng hose para sa patubig, farming Kit, buto ng mga gulay, carpentry equipment, 15 kahon ng ascorbic acid, and 5 toilet bowl.


Napag-alaman na noong Lunes ay nagbigay ng kagamitan ang tanggapan ni Congressman Pacquiao sa mga kasundaluhan.


Sa pagrepresenta ni 2nd Lieutenant Bernard Cudal, Platun Lider ng Alpha Company kay Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB, kanyang nasabi na ang kasundaluhan ang magiging tulay upang ihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao.


Dumalo din sa nasabing aktibidades si Hon. Victor James Yap, Sr., Bise Mayor ng Glan, Sarangani Province at Punong Brgy. Rodolfo T. Mabuhay na kung saan namigay ang Bise Mayor ng pagkain sa mga mamamayan. (PR, 73rd Infantry Battalion, 10ID)




12 views0 comments

Recent Posts

See All