• HRS News

Modernong palengke, itatayo sa Kauswagan


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE — Ginanap ang ‘groundbreaking ceremony’ para na naman sa isang ‘landmark project’ ng munisipyo sa barangay Poblacion, araw ng Lunes. Inilatag ngayong araw ang isang kapsula na naglalaman ng master plan ng Kauswagan Town Center at ng Green Public Market na kasama sa mga priority projects ngayong taon ng LGU Kauswagan.


Ayon kay Mayor Rommel Arnado na siya ring ‘visionary’ ng nasabing proyekto, nilalayong matapos ang konstruksiyon sa loob ng sampung buwan.


Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, LGU Department Heads, mga iilang kawani ng gobyerno, mga tenant, at iilang mga residente na sumaksi dito.


Ang kasalukuyang nakatayong istraktura ng public market ay tinatayang nasa 50 taon na at napapanahon nang palitan ito ng bago at mas modernong pasilidad, bagay na sinang-ayunan at inaprubahan ng Sangguniang Bayan na mapalitan ito para sa mga residente dito.


“We want people to experience a first-class public market that will truly serve its purpose. The infrastructure projects that are in place and the development of our town will definitely inspire our constituents,” ayon kay Arnado.


(Gusto nating naranasan ng ating mga kababayan ang isang primera klaseng palengke na talagang magagamit ng mga tao. Itong mga proyekto na patuloy na nagpapaunlad ng ating bayan ay siguradong makakpagbigay inspirasyon sa lahat.)

4 views0 comments

Recent Posts

See All