• HRS News

MinDA, pinili ang Lanao del Norte bilang isa sa mga ‘Balik Probinsya, Balik Pag-asa’ pilot areas

Binisita ni MinDA chief, Sec. Manny Pinol, Miyerkules (6 May), ang bayan ng Kauswagan at malugod na ibinalita nito ang pagkakapili ng munisipalidad bilang isa sa mga model host communities ng Balik Probinsiya, Balik Pag-asa Program. (H.Clavite/LGU Kauswagan)

ILIGAN CITY (6 Mayo 2020)— Ang yamang lupa at yamang tubig dito ay pinagsisikapang maprotektahan upang mapanatili at matustusan ang pangkabuhayan ng mga residente. Isa ito sa mga isinusulong na adbokasiya ng local government unit upang maiwasan ang pagkagutom ng mga nasasakupan nito, pasiglahin at pagsikapan na makamit ang mas mataas na antas ng seguridad sa pagkain. Dahil dito, mainit na tinanggap ng LGU Kauswagan ang programa ng nasyonal na pamahalaan na “Balik Probinsya, Balik Pag-asa“ na pangangasiwaan ng Mindanao Development Authority o MinDA. Ang Kauswagan ay isa sa mga napiling lugar sa Mindanao na pagtatayuan ng model community kung saan ang iba’t ibang sangay ng gobyerno ay magtutulungan upang mabuo at maisakatuparan ang programa at konsepto. Sa pamamagitan ng whole of nation approach, pagtutulungan ng nasyonal at lokal na pamahalaan, kasama ang iba’t ibang sangay nito, ang malawakang pagpapatupad ng programa. Kaugnay dito, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si MinDA chief, Secretary Manny Piñol, na dating kalihim ng Department of Agriculture, bilang tagapangasiwa ng programa sa buong Mindanao. Binisita ni Piñol ang Munisipyo ng Kauswagan araw ng Miyerkules at ibinalita ang layuning gawing model host community ang lugar. Ang programa ay nagmula sa orihinal na mungkahing ni Senador Christopher “Bong” Go na ginawan ng plano ng MinDA. Iprinisinta ni Piñol ang “concept paper” kay Arnado at mga Department Heads ng munisipyo at pinaintindi ang ninanais ng kanyang tanggapan at ang magandang layunin nito para sa pauuwing mga taga Lanao del Norte na kasalukuyang namumuhay sa Metro Manila. Sa ilalim ng programa, inalok ng MinDA Chief ang Kauswagan ng broiler production kasama ang communal poultry raising, vegetable growing, hog raising, dairy farming, fish cage, at cooperative furniture making, bilang pangunahing component ng programa upang maihanda ang model community para sa mga residenteng pauuwiin sa probinsiya. Kapansin-pansin sa maraming lugar ang bumababang bilang ng mga magsasaka at mangingisda hindi lamang dahil tumatanda na ang marami sa kanila kundi sanhi na rin ng paglipat ng mga manggagawa mula sa kanayunan patungo sa mga sentro ng lunsod na katulad ng malalaking ciudad ng Metro Manila at Cebu. Kapansin-pansin din na mas gustong magtrabaho ng mga kabataan sa malalaking ciudad, na kadalasan ay nagiging manggagawa sa pabrika, laborers, household help, salespersons atbp. Karamihan sa kanila ay kumikita ng mas mababa sa minimum daily wage. Sa pagpapatupad ng “Balik Probinsya" program, kasabay ng pagsuporta sa mga programa sa agrikultura ay maaaring mapausbong ang agricultural sector ng bansa. Ang MinDA ay isang ahensya sa ilalim ng National Government na isa sa pangunahing tungkulin ang pangangasiwa ng kaunlaran at pagpapalago ng ekonomiya sa buong isla ng Mindanao.

Ipinakita ni Kauswagan Mayor Rommel Arnado kay MinDA Sec. Manny Pinol ang farming equipment na gagamitin ng munisipyo bilang local government counterpart sa itatayong model community sa ilalim ng Balik Probinsiya, Balik Pag-asa Program ng nasyonal na pamahalaan kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga taga Lanao del Norte na nakatira sa Metro Manila na umuwi sa probinsiya at mabigyan ng pagkakataong bumuo ng kanilang sariling pangkabuhayan. Kasama sa LGU counterpart ang paglalaan ng lupa kung saan itatayo ang model community. (H.Clavite/LGU Kauswagan)

Malugod na tinanggap ni Arnado ang alok ni Piñol at nangako itong bigyang prioridad ang programa sa pamamagitan ng paglaan ng lupa kung saan itatayo ang model community. Ayon kay Piñol, matagal na niyang iniisip na gawing modelo ang Kauswagan dahil sa kapasidad nito at kakayahang gawing matagumpay ang programa. “Natutuwa akong pumunta dito dahil alam ko ang kapasidad ni Mayor Arnado. Sa katunayan, bago ako pumunta dito, naiisip ko na ang Kauswagan at si Mayor Arnado na i-tap ko bilang pilot area. Masaya akong mayroong counterpart na kaagad si Mayor Arnado na lupa at equipment para sa organic agriculture at farming,” ayon kay Piñol. Hiniling din ni Piñol kay Arnado na ipaabot ang pasasalamat nito kay Lanao del Norte Governor Imelda “Angging” Dimaporo sa suportang binibigay nito matapos ipaabot ni Arnado ang balita tungkol sa pagkakapili ng lalawigan bilang isa sa mga model areas ng programa. Dagdag ni Piñol, babalik ang kanyang grupo upang ma finalize ang teknikal na detalye at ihahanda na ng kanyang tanggapan ang pagbuo ng memorandum of agreement. Inilahad din ng kalihim na mabubuo ang programang ito sa loob ng tatlong buwan. (PR)

Mainit na tinanggap ng mga opisyales at kawani ng LGU Kauswagan ang alok ni MinDA chief, Sec. Manny Pinol, na magtayo ng model community sa lugar sa ilalim ng Balik Probinsiya, Balik Pag-asa Program ngayong taon. Ang Lanao del Norte ay isa sa apat na lalawigan sa Mindanao na napili ng kalihim na gagawing pilot area ng nasabing programa. (H.Clavite/LGU Kauswagan)

6 views0 comments

Recent Posts

See All