• HRS News

Matanog ‘most wanted’ patay sa engkwento

Updated: Sep 7, 2020


ni Merlyn Manos

(Photo: Philippine Marines MBLT-5)


Patay ang top 4 Most Wanted Person ng Matanog MPS samantalang sugatan naman ang isa pa at dalawa ang arestado sa inilunsad na Oplan Pagtugis at Paglalansag Omega ng CIDG-BARMM at Marines Battalion Landing Team-5 (MBLT-5) sa bayan, alas tres ng madaling araw noong Biyernes, September 4, 2020.


Kinilala ni CIDG Lt.Colonel Tino Maslan ang napatay na suspek na si ITEK DUMRAN COCOY (DOA), MAKASILANG ABDULHAZIS(wounded) at sina MANAN MACARIMBANG at TINGO MACASALONG na kasalukuyang nasa kostudiya ng CIDG-BARMM sa PC Hill, Cotabato City.


Sa panayam namin kay Lt.Colonel Lino MAslan Commanding officer ng MBLT-5, isisilbi lang sana nila ang warrant of arrest na inisyu laban sa mga ito sa bahagi ng Sitio Binical at Sitio T'Ba (Poblacion) pawang nasa Brgy. Bugasan Sur,Matanog, Maguindanao nang makipagbarilan ito sa mga otoridad.

Gumanti ang tropa hanggang sa tuluyang mapasuko ang mga ito pero habang ibinibyahe umano ng mga ito ng tropa ng CIDG_BARMM patungong Cotabato City ay nang-agaw ng baril si Itek sanhi para mapilitan ang tropa na sya ay paputukan hanggang sa mapatay.

Bantay sarado naman sa ospital ng CIDG BARMM ang kasama nitong MAKASILANG ABDULHAZIS dagdag pa ni Lt.Col. Maslan.


Nakumpiska sa mga suspek ang isang caliber 30 BAR with SN 0-64234, SIX (6) magazine for CAL. 30 BAR, Forty (40) rounds of CAL 30, ONE (1) Homemade pistolized M79, THREE (3) HE 40MM ammuntions, ONE (1) CAL 38 SW 357 MAGNUM at isang AFP bandoler.


Ayon Kay Lt.Col. Maslan patuloy na mag assist ang mga Marines sa lahat ng Law enforcement agencies para sa performence ng kanilang mandato para mahuli ang lahat na wanted persons kung saan parte ng kanilang mission sa kanilang Area of Responsibility.

36 views0 comments

Recent Posts

See All