• HRS News

‘Localized lockdown’ ipinatutupad sa Delabayan


Nakatalaga sa checkpoints ang mga tauhan ng PNP sa unang araw ng ‘localized lockdown’ na kinasasakupan ng 4 na purok sa Delabayan, Kauswagan, Lanao Del Norte matapos lima sa anim na nag positibo sa COVID-19 ay nagmula dito. (Photo: HC/HRS Media)
Nakatalaga sa checkpoints ang mga tauhan ng PNP sa unang araw ng ‘localized lockdown’ na kinasasakupan ng 4 na purok sa Delabayan, Kauswagan, Lanao Del Norte matapos lima sa anim na nag positibo sa COVID-19 ay nagmula dito. (Photo: HC/HRS Media)

KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (1 July 2020) — Dineklara araw ng Martes ang ‘localized lockdown’ o ‘zoning containment strategy’ sa apat na purok sa barangay Delabayan dito matapos nakumpirmang anim sa mga locally stranded individuals (LSI) mula Cebu at Metro Manila ay nag positibo sa coronavirus disease (COVID-19).


Bawal lumabas at pumasok ngayon sa Purok 3, 4, 5 at 6 sa Delabayan. Naka kordon ang entry at exit points sa nasabing lugar at pinaiigting ang siguridad dito.


Ngayong araw ng Miyerkules nadagdagan naman ng isa pang LSI na nag positibo mula sa barangay Inudaran. Nirerekomenda uli ng LGU na isailam din sa localized lockdown ang Purok 1 sa Inudaran. Sa barangay na ito matatagpuan ang Ligtas COVID isolation facility ng munisipyo.


Natapos na ng mga LSI ang home quarantine sa loob ng 14 na araw nang mag positibo ang kanilang rapid test sa Provincial Heath Office.


Dahil dito, agad na pinag swab test ang mga ito at doon na nalamang positibong COVID-19 carriers sila. Asymptomatic o walang sintomas ang mga pasyenteng ito at naka confine sila ngayon sa provincial isolation facility sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Norte.


Iilan sa mga LSIs na ito ay nakasalamuha ang kanilang pamilya kaya agad na nagsagawa ng contact tracing ang LGU.


Subalit ayon sa mga opisyales ng barangay, hindi na nila nadatnan sa bahay ang ibang miyembro ng pamilya at nabalitaang bumiyahe ang mga ito sa ibang lugar.


Ang localized lockdown ay tatakbo ng 14 na araw. Tiniyak ni municipal Mayor Rommel Arnado na mapigilan ang pagkalat ng virus kayat ni lockdown nito ang mga apektadong lugar sa pamamagitan ng paglabas ng isang Executive Order kahapon.


Pinangungunahan ni Kauswagan Mayor Rommel Arnado at PNP Chief of Police, Capt. Eric Logronio ang pangangasiwa ng checkpoints matapos umabot na sa 9 ang mga residenteng LSI ang nag positibo sa COVID-19.
Pinangungunahan ni Kauswagan Mayor Rommel Arnado at PNP Chief of Police, Capt. Eric Logronio ang pangangasiwa ng checkpoints matapos umabot na sa 9 ang mga residenteng LSI ang nag positibo sa COVID-19.

”Walang makakapasok at makakalabas muna dito. Pero ang mga dumadaan mula at papuntang Municipality of Munai, pwedeng dumaan at magpakita lang ng ID. But no one will be allowed to make a stop at any point within the affected areas,” ayon kay Arnado.


Samantala, bilang quick response naman ng LGU, namigay ng tig isang sakong bigas sa mahigit 200 na kabahayan ang munisipyo sa tulong ng mga barangay opisyal dito.


Ayon kay kapitan Coco Mananggolo, naipamigay na nila ang tig 25 kilong bigas sa mga kabahayan.


Samantala, nagsanib pwersa ang Philippine National Polic at Philippine Army upang masigurong masunod ang direktiba ng local chief executive. Naging mapayapa at mahinahon naman ang unang araw ng lockdown at ang mga barangay patrol at opisyales ang bumibili ng mga pangangailangan katulad ng gamot para sa mga apektadong residente.


Ang mga communal at household gardens naman ng barangay at mga kabahayan ang pangunahing pagkukuhanan ng pagkain.


Ayon kay Kauswagan Police Chief Capt. Eric Logronio, nagbigay naman ng kooperasyon ang mga tao at nananatiling tahimik at mapayapa ang mga apektadong lugar.

222 views0 comments

Recent Posts

See All