• HRS News

LGU sa northern Mindanao namigay ng tig isang sakong bigas sa lahat ng kabahayan


6,000 na sako ng bigas ang binili ng LGU Kauswagan at pinamigay ito sa lahat ng kabahayan sa 13 barangay sa Kauswagan, Lanao del Norte. Walang pinipili at lahat ng household ay inaabutan ng tulong. Sinimulan ang pamimigay kahapon at nagpapatuloy ito hanggang araw ng Linggo. (Photo: J. Umaran/LGU Kauswagan)
6,000 na sako ng bigas ang binili ng LGU Kauswagan at pinamigay ito sa lahat ng kabahayan sa 13 barangay sa Kauswagan, Lanao del Norte. Walang pinipili at lahat ng household ay inaabutan ng tulong. Sinimulan ang pamimigay kahapon at nagpapatuloy ito hanggang araw ng Linggo. (Photo: J. Umaran/LGU Kauswagan)

KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (30 Abril 2020) – Sa kabila ng naunang ayuda na ipinamigay sa mga apektadong pamilya mula sa quick response fund (QRF) ng labin-tatlong barangay dito, namigay ang local government unit (LGU) ng tig isang sakong bigas sa bawat household o kabahayan na nasasakupan nito. Nagsimula kahapon ang distribusyon at patuloy itong ginagawa ngayong araw sa pangunguna ng alkalde na si Mayor Rommel Arnado.


Dalawampu’t limang (25) kilo ang laman ng bawat sako na ipinamumudmod ng LGU sa bawat household. Kahapon, unang namigay sa barangay Tugar at Kawit Oriental ang munisipyo at ito ay dinaluhan nina municipal councilors Rudy Dura at Albe Tan kasama si Dr. Max Arnado ng Office of the Mayor, na siyang tumatayong team leader ng nasabing distribusyon.


Martes ng gabi dumating ang mga bigas na mula pa sa Viet Nam. Tumagal ito dahil sa limitasyon sa transportasyon at sa kakulangan ng bigas sa mga lokal na supplier.


“Mga three weeks na mula nung inorder ng munisipyo ang mga bigas na ito pero natagalan tayo kasi hindi sya naging available kaagad,” ayon kay Dr. Arnado, ang Chief of Staff ng office of the Mayor.

Ayon naman kay Dura, ang distribusyong ito ay karugtong ng nasimulang suporta mula sa QRF ng barangay at ang mga benepisyaryo ay hango sa mga listahan ng barangay officials at purok leaders na syang pinal na listahan na ginagamit ng distribution teams. Dinagdag naman ni Tan na ang ayudang ito ay malaking tulong na rin sa mga hindi nakasama sa naunang listahan ng social amelioration program (SAP) na nagmula sa DSWD.


Sa isang banda, kinumpirma naman ni Tan na ang bigas para sa lahat ay nagmula sa 30% QRF o disaster funds ng munisipyo at ng Bayanihan Grant mula sa national government.

Ngayong araw, pinangunahan ng alkalde ang distribusyon sa barangay Bagumbayan kung saan mahigit isang libong pamamahay ang nabigyan ng bigas. Sinisiguro ni Arnado na masunod pa rin ang social distancing at maayos na distribusyon.


Nanawagan si Arnado sa mga residente na patuloy na magbigay ng kooperasyon at magtiis ng konti dahil sa krisis na dulot ng COVID-19. Nagbigay din ng kasiguraduhan ang alkalde na ang gobyerno ay patuloy na magsusuporta sa mga mamamayan at tugunan ang kanilang pangangailangan lalo pa’t inaabangan ngayon ang posibleng pag extend ng quarantine hanggang May 15. Ani Arnado, magbibigay uli ang LGU ng tulong pagkalipas ng limang lingo, kung kinakailangan.


“Nagamit na ang QRF sa mga barangay ug karon ang LGU na pod ang mopuli. Usbon nato kini para sa ikaduhang set after five weeks, kung kinahanglan pa nato. Ang hangyo nako sa atong mga constituents nga padayon lang mag sakripisyo gamay. Very soon, this crisis will come to an end. Gipangayo nako ang padayon nga pagsabot ug kooperasyon sa matag usa. Ang gobyerno kanunay nga mag suporta sa katawhan. Kung adunay problema, moduol lang sa LGU ug paningkamutan namo nga masulbad ang inyong problema,” ayon kay Arnado.


(Nagamit na ang QRF ng mga barangay at ngayon, ang LGU naman ang nag take over. Uulitin natin ito para sa pangalawang set pagkalipas ng limang lingo, kung kinakailangan. Ang hinihingi ko lang sa ating mga constituents na patuloy tayong mag sakripisyo ng konti pa. Darating ang panahon, matatapos din ang krisis na ito. Hinihingi ko ang patuloy na pag intindi at kooperasyon ng lahat. Ang gobyerno ay patuloy na magsusuporta sa mga mamamayan. Kung mayroong problema, lumapit lang sa LGU at gagawin namin ang lahat upang ma solusyunan ang inyong problema.)


Dagdag pa ni Arnado, wala munang pulitika sa panahong ito at sa halip na mag reklamo at mang bash ng mga opisyales sa social media, kinakailangan ang pag intindi at kooperasyon ng lahat. Aniya, nagsusumikap ang mga opisyales at empleyado ng LGU na makapagbigay ng tulong sa mga taga Kauswagan.


“This is not time for politics. May mga bashers sa social media who like to politicize this situation. Ang common enemy nato ang coronavirus and it does not discriminate at all – whatever political party you are with, what color, what race, the virus does not choose who to infect. Our LGU in Kauswagan is working really hard nga maka provide ta sa atong mga constituents even beyond our means. Importante ang pagkaon sa tawo, mao kini ang pinaka basic nga hinungdan nganong gibuhat nato kining tanan,” dagdag ni Arnado.


Pinapangunahan ni Mayor Rommel Arnado ang pamimigay ng tig isang sakong bigas sa mga residente ng Kauswagan, Lanao del Norte. (Photo: J. Umaran/LGU Kauswagan)
Pinapangunahan ni Mayor Rommel Arnado ang pamimigay ng tig isang sakong bigas sa mga residente ng Kauswagan, Lanao del Norte. (Photo: J. Umaran/LGU Kauswagan)

(Hindi ito panahon para sa pulitika. Mayroong mga bashers sa social media na gustong gamiting itong sitwasyon upang mamulitika. Ang kaaway natin dito ay ang virus at hindi iyan namimili ng politicial party, kulay, o lahi. Kaya hindi panahon ngayon na mamulitika. Ang LGU dito sa Kauswagan ay talagang nagsisikap na makapagbigay suporta sa mga tawo kahit lagpas sa aming kakayahan. Ang importante ay ang pagkain para sa mga mamamayan at ito ang pinakaunang dahilan kung bakit natin ginagawa ang lahat ng ito.)


Layunin ng munisipyo na maibigay ang lahat na dumating na bigas sa mga apektadong kabahayan nitong susunod na dalawa o tatlong araw. Nasa 6,000 sakong bigas ang binili ng munisipyo para sa mga apektadong komunidad at lahat ng household sa buong munisipyo ay makakatanggap ng nasabing ayuda.


Kahapon ay nakapagbigay sa barangay Tugar at Kawit Oriental ng 670 sakong bigas ang LGU. Ngayong araw naman ay mahigit isang libong kabahayan ang nabigyan sa barangay Bagumbayan habang patuloy pa rin ang pag susumite ng mga punong barangay ng listahan ng bawat household. Ginaganap naman ngayon ang pamimigay sa barangay Kawit Occidental.


Sa bawat barangay, kinakausap ng distribution teams ang mga nakapilang residente at hinikayat ang mga ito na obserbahan ang social distancing.


Samantala, positibo ang tugon ng maraming mga taga Kauswagan tungkol sa aksiyon na ito ng LGU. Ikinatuwa ng residente na si Hadji Razul A. Baddie ang pamimigay ng LGU dahil malaking tulong umano ito sa kanyang pamilya sa panahon ng enhanced community quarantine na naging limitado ang pagkilos ng bawat isa. Nagpasalamat si Baddie kay Arnado at buong LGU sa natanggap na ayuda maging sa mga taong tumulong sa pamimigay kanina.


“Maraming salamat kay mayor sa aming natanggap at sa inyong lahat na tumulong sa pamimigay,” ani Baddie.


Mapuspos din ang tugon ng mga netizens tungkol dito. Sa Facebook page ng “Municipality of Kauswagan,” nag viral at umabot na sa mahigit 1,620 ang nag share ng mga larawan at mahigit 191,900 impressions ang inabot nito ayon sa Facebook insights. Umani din ito ng 299 na positibong komento mula sa Kauswagan at iba’t ibang lugar.


Sa ngayon, naghihintay ang LGU ng kaukulang direksiyon mula sa Provincial Government of Lanao del Norte tungkol sa general community quarantine. Inaasahang maglalabas ng panibagong Order ang tanggapan ni Gob. Imelda “Angging” Dimaporo tungkol dito.


Matapos magbigay ng first wave gamit ang quick response funds (QRF) ng mga barangay, bumili ang LGU ng 6,000 sakong bigas para sa mga apektadong komunidad dito sa Kauswagan, Lanao del Norte. (Photo: J. Umaran/LGU Kauswagan)
Matapos magbigay ng first wave gamit ang quick response funds (QRF) ng mga barangay, bumili ang LGU ng 6,000 sakong bigas para sa mga apektadong komunidad dito sa Kauswagan, Lanao del Norte. (Photo: J. Umaran/LGU Kauswagan)

10 views0 comments

Recent Posts

See All