• HRS News

LGU, namigay ng 6,000 ‘electronic tablets’ sa mga mag-aaral


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE — Sa gitna ng pandemya na dulot ng coronavirus disease (COVID-19), patuloy ang Department of Education (DepEd) sa mga paghahanda upang matupad ang layunin nitong maipagpatuloy lang ang pag-aaral ng mga kabataan.


Naunang inanunsyo ni DepEd Secretary Leonor Briones ang nalalapit na pasukan para sa school year 2020-2021 sa darating na ika-24 ng Agosto.


Upang suportahan ang adhikaing ito at matulungan ang mga mag-aaral, pinangunahan ng local government unit ng Kauswagan ang pamimigay ng electronic gadgets sa mga public elementary at secondary schools bilang parte ng ‘learning module’ na itinatakda ng DepEd. Mahigit 6,000 tablets ang pinamimigay ngayon ng munisipyo.


Ayon sa mga guro dito, parte ito ng new normal learning system na gagamitin ng mga mag-aaral upang hindi na lubos na matagalan pa ang pag-aaral ng mga bata. Base sa napagkasunduan ng Local School Board at LGU, ipinamahagi ang mga electronic gadgets sa labing apat na elementarya at apat na high schools sa Kauswagan.


Dagdag dito, aakuin ng LGU ang kinakailangang internet connectivity na tig 20mbps. Lahat ng eskwelahan ay magkakaroon ng sariling WiFi.

Pinamunuan ni Municipal Mayor Rommel Arnado ang pamamahagi ng mga tablets para sa mga bata. Sa ngayon, mahigit dalawang libong tablets na ang nai-release ng General Services Office ng munisipyo at matatapos ang distribusyon nito ngayong linggo.

71 views0 comments

Recent Posts

See All