• HRS News

LGU Kauswagan, nangunguna sa imprastruktura


Isang contruction worker ay nagsusukat ng mga materyales sa kasalukuyang tinatayo na LGU motorpool sa Kawit Oriental, Kauswagan, Lanao del Norte. (Photo: J.Umaran/LGU Kauswagan)
Isang contruction worker ay nagsusukat ng mga materyales sa kasalukuyang tinatayo na LGU motorpool sa Kawit Oriental, Kauswagan, Lanao del Norte. (Photo: J.Umaran/LGU Kauswagan)

KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (8 July 2020) -- Sa gitna ng krisis, patuloy ang mga proyekto ng munisipyo ng Kauswagan upang patuloy na mapagsilbihan ang mga mamamayan. Ayon sa impormasyon mula sa Municipal Engineering Office, tatlong malalaking proyekto ang kasalukuyang ginagawa ng munisipyo sa ilalim ng pangangasiwa ng LGU at DILG. Isa dito ang expansion ng tourism function hall na matatagpuan sa barangay Poblacion. Sinimulan ang proyektong ito unang linggo ng Hunyo 2020 at masasabing nasa 45% na ang natapos nito. Inaasahang matatapos ang proyekto ngayong Agosto. Samantala, patuloy din ang pag gawa sa iminungkahing motorpool na matatagpuan sa barangay Kawit Oriental na sinimulan noong Abril 2020. Dahil maraming heavy equipment na pagmamay-ari ng LGU, malaki ang maitutulong nito sa repair at maintenance ng mga sasakyan at kagamitan sa pagsasaka at imprastruktura. Masasabing nasa 45% na


din ang natapos sa proyetko at inaasahang matatapos ito buwan ng Agosto ngayong taon. Isang malaking proyekto naman ang ginagawa sa Children’s Park ng barangay Poblacion, malapit sa Longest Boardwalk. Ito ang National Child Development Center na sinimulan noong buwan ng Hunyo 2020. Ang pondong ito ay nagmula sa Early Childhood Care & Development Council na nagbibigay halaga sa mga pangangailangan ng kabataan. Ang tatlong malalaking proyektong ito ay malaking tulong para sa mga taga Kauswagan. Sa paglalayong makapag ambag ng mas marami pang proyekto, sinisiguro ng munisipyo na magawa ang lahat ng ito sa paniniwalang ang imprastruktura ay malaking maiambag sa pag unlad at pagbago ng estado ng bawat mamamayan. Ayon kay Municipal Engineer Saidale Maruhom, maliban sa sagot at tulong ng lokal na gobyerno sa kalagitnaan ng pandemya, nakatutok din ang prioridad ng munisipyo sa mga imprastrukturang ito. Aniya, tinitingnan ang kapakanan ng bawat mamamayan sa mga pagtatayong nito.

"Ang nais ng lokal na pamahalaan ay agad na mabuo ang mga proyektong ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan," ayon kay Maruhom.

7 views0 comments

Recent Posts

See All