• HRS News

LGU Kauswagan namigay ng tig isang sakong bigas sa naka-lockdown na barangay


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE — Patuloy ang pakikipaglaban ng LGU Kauswagan laban sa pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 matapos madagdagan ng dalawa pang kaso nang magposibito sa nasabing virus ang mag asawang taga barangay Kawit Occidental.

Kasalukuyang nasa ilalim ng ‘total lockdown’ ang barangay at mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas pasok dito.

Sa kasamaang palad ay nasawi ang babaeng pasyente na may edad 60 anyos.

Nagbaba ng kautusan si municipal mayor Rommel Arnado at sinimulan na ang contact tracing sa buong angkan at mga kapitbahay ng mag asawa. Sa ngayon, naka quarantine at naghihintay ng resulta ng swab test ang kaanak at kapitbahay ng mag asawa.

Namigay ng tig isang sakong 25-kg na bigas ang munisipyo araw ng Biyernes sa 268 households na nasa loob ng containment zone.

Naka deploy din ang mga tauhan ng PNP Kauswagan sa mga check points upang bantayan ang containment area. Nagpadala na rin ng dagdag pwersa ang Philippine Army upang makatulong sa pag assist sa mga apektadong kabahayan.

Nagbigay naman ng assurance ang alkalde at nanawagan sa muling kooperasyon ng lahat. Nakipag ugnayan na rin ang munisipyo sa Provincial government at humingi na ng tulong ang alkalde kay Governor Imelda Dimaporo na nagpahiwatig naman ng suporta sa kaganapang ito.


Binisita ng provincial IATF sa pangunguna ni Lyndon Calica, ang provincial public information officer, ang munisipyo araw ng Sabado at pinag usapan ang tulong at suporta na ipapadala ng provincial government.

Nilinaw ni Arnado na isang barangay lang ang naka lockdown at hindi ang buong bayan. Malaya namang nakakadaan ang mga sasakyan sa national highway.


99 views0 comments

Recent Posts

See All