• HRS News

Kauswagan: Patungo na sa deklarasyong 'COVID-free'


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (14 Abril 2020) - Patuloy ang pagbaba ng numero ng mga 'persons under monitoring' (PUM) dito isang buwan mula noong unang ibinaba ang monitoring system ng munisipyo laban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Ang patuloy na pagkakatanggal sa talaan ng Municipal Health Office ng mga dating PUMs ang magiging sanhi ng magiging deklarasyon bilang "COVID-free municipality."


Base sa isinumiteng daily monitoring sheet ng Municipal Health Office, mula sa 149 noong ika-20 ng Marso, patuloy itong bumaba nitong ika-13 ng Abril na mayroong 24 PUM’s na lamang ang natitira sa kanilang minomonitor.


Ayon kay Dr. Arthur Dale Laguerta, sa kabila ng pagbaba ng numero ng PUMs, handang-handa pa rin ang lokal na pamahalaan sakaling may mag positibong residente dito. Nakahanda na ang isolation facility para sa mga magkakaroon ng sintomas o magiging suspected COVID-19 positive patients.


Sa buong probinsiya naman ng Lanao del Norte, nagbaba na ng desisyon si Gob. Imelda "Angging" Dimaporo na mai-extend ang enhanced community quarantine sa buong probinsiya. Kasunod ito ng pag anunsiyo ni Pangulong Duterte sa pag extend ng lockdown sa buong Luzon.


Samantala, maliban sa masinsinang pagsubaybay sa kalusugan ng mamamayan, patuloy naman ang Municipal Agriculture Office sa pagbigay serbisyo publiko sa pamamagitan ng "organic mobile palengke" na kasalukuyan pa ring nag iikot sa mga kabarangayan ng Munisipyo.


Kasabay pa rin dito ang ongoing harvesting ng Opaw Alviola's Family Farm sa Libertad. Sitaw, talong at okra ay ilan sa mga naharvest sa nasabing farm.


Layunin nitong mapanatili ang kalusugan ng mamamayan upang sakit ay maiwasan.


Kasabay pa rin ito ng patuloy na kampanyang panatiliing COVID-19 free ang bayan ng Kauswagan.


Hinihikayat pa rin ang bawat isa na palaging maghugas ng kamay, gumamit ng disinfectant, at panatilihing malusog ang pangangatawan. Para sa karagdagang updates patungkol sa kaganapan sa lungsod, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Munisipyo ng Kauswagan.


Nagbukas din ang LGU Kauswagan ng radio program, "Sikad Pa, Kauswagan" sa 93.7 C FM Iligan City para sa development program at COVID-19 updates.

361 views0 comments

Recent Posts

See All