• HRS News

Kauswagan, ikinasa ang "quarantine pass"

KAUSWAGAN, LDN (20 Mar 2020) -- Sa unang araw ng pamimigay ng LGU "quarantine pass” dito, mangilan-ngilan lang ang nangahas na lumabas ng kanilang bahay at pumunta sa munisipyo upang makakuha ang pass na makapag-authorize sa mga residente na lumabas sa Kauswagan at dumayo sa mga karatig-bayan nito.

Si Sittie L. Dimakuta, 42, taga barangay Cayontor, ay isa sa mga pumila upang kumuha ng nasabing pass.

Ayon kay Dimakuta, pamimili ng pangunahing pangangailangan ang kanyang layunin upang lumabas ng Kauswagan.

"Sisikapin ko na makabalik agad bago pa pumatak ang alas singko ng hapon para di ako maabutan ng ockdown sa Iligan City," sab abuimDimakuta.

Dagdag pa niya, sang ayon naman daw siya sa mga panukala ni Mayor Rommel Arnado patungkol sa “quarantine pass” at “curfew” upang mas ma protektahan ang bawat mamamayan. Matatandaang nag deklara ng curfew si Arnado at ipinatigil ang mga naka schedule na pampublikog aktibidad.

Samantala, isang pass lamang ang ibinibigay ng munisipyo sa bawat pamilya upang ma monitor kaagad ang mga residente dito. Ang quarantine pass ay isa sa mga pangunahing direktiba ni Arnado upang maisaayos ang enhanced community quarantine bilang tugon sa malawak na pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

(Sweet Lucman/ Office of the Mayor, Kauswagan, LDN)

84 views0 comments