• HRS News

Enhanced community quarantine idineklara sa Kauswagan, Lanao del Norte


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (19 Mar 2020) — Seryoso ang LGU dito at si Mayor Rommel Arnado na siguraduhing maprotektahan ang mamamayang lungsod laban sa nakamamatay na COVID-19. Dahil dito, mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas maging ang mga sunod-sunod nitong kakalabas lang na mga executive order nitong linggo.


Pinaigting ang pagpapakalat ng impormasyon sa bawat barangay patungkol sa mahigpit na bilin na manatili sa kani-kanilang tahanan.


Nag deklara si Arnado ng “enhanced community quarantine” sa buong munisipyo sa pamamagitan ng Executive Order No. 16 upang maisakapatuparan at maipaintindi ang kahalagahang pangkalusugan sa buongn komunidad at mas madali ang pagtrack sa mga taong posibleng “carrier” ng COVID-19.


Mahigpit na ipinapatupad ang masugid na pagsusuri sa mga residente maging ang mga bisita at may iba’t-ibang transakyon sa munisipyo. Isinara sa publiko ang pangunahing atraksiyon dito— ang Longest Boardwalk na dinarayo ng mga turista at lokal na mga residente araw-araw.


21-day quarantine naman para sa mga PUM’s at PUI’s ay iginiit ni Arnado upang makasiguro sa kalusugan ng bawat isa ng kanyang nasasakupan at matatanggal lamang sa listahan ng PUM at PUI matapos kumpletuhin ang nasabing quarantine.


“Mahirap man para sa karamihan sa atin, ang enhanced community quarantine ay kinakailangan. Ang aking opisina, ang buong LGU at aming mga stakeholders— ginagawa namin lahat upang makapagbigay ng pinaka maayos at epektibong tugon sa krisis na ito. Kailangan namin ang kooperasyon ng lahat. Ang sakripisyo natin ngayon, ito ang magpapatuloy ng ating pamumuhay bukas,” ayon kay Arnado.


Ipapatupad din ng alkalde ang strict I.D. system sa 13 Barangay at Quarantine pass na magmumula lamang sa Municipal Mayor’s Office para sa mga manggagawa, may hanap buhay, at nag-aaral sa loob at labas ng munisipyo.


Samantala, kasunod naman ng E.O. No. 16 ay ang mas pinaagang pagpapatupad ng “curfew” sa buong munisipyo. Napagkasunduan ng mga senior management, at ibang pang ahensya ng gobyerno ang madaliang pagpapatupad ng E.O. #17 “ AN ORDER REIMPOSING CURFEW HOURS TO ALL AGES FROM EIGHT (8:00) O’CLOCK IN THE EVENING TO FOUR (4:00) O’OCLOCK IN THE MORNING WITHIN THE TERRITORIAL JURISDICTION OF THE MUNICIPALITY OF KAUSWAGAN.”


Agaran namang nilagdaan at ipinatutupad ng alkalde ang mga nasabing Executive Order.

146 views0 comments