• HRS News

Dating MILF lider na si Kumander Bravo, nanguna sa commitment for peace ceremony


Former MILF leader, Kumander Bravo (middle), now BARMM Member of Parliament and Municipal Mayor Rommel Arnado (right) lead a commitment ceremony further strengthening peace in Kauswagan, Lanao del Norte. Lt.Col. Domingo Dulay (left) of the Philippine Army witnessed the event. (Photo: J.Umaran / HRS Media)
Dating MILF leader, Kumander Bravo (gitna), at ngayo'y BARMM Member of Parliament, at Municipal Mayor Rommel Arnado (kanan), nanguna sa isang commitment ceremony na patuloy na nagpapalakas ng kapayapaan sa Kauswagan, Lanao del Norte. Si Lt.Col. Domingo Dulay (kaliwa) ng Philippine Army ay tumayong witness sa nasabing aktibidad. (Photo: J.Umaran / HRS Media)

KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (15 Hunyo 2020) – Muling nag deklara ng suporta sa munisipyo ng Kauswagan at kay municipal mayor Rommel Arnado si former MILF leader, Abdullah Macapaar o kilala bilang ‘Kumander Bravo’ na ngayo’y Member of Parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) araw ng Huwebes sa ginanap na cash payout at turn-over ceremony ng “24-hectare” na lupain sa local government unit ng Kauswagan mula sa orihinal na mga nagmamay-ari nito.


Sa nasabing okasyon, dumalo si Macapaar upang tumayong lider at tagapagsalita sa panig ng mga pamilyang claimants. Sa kanyang pagsasalita, nanawagan si Macapaar na kalimutan na ang nangyaring kaguluhan at pinaintindi niya na ang nagdaang kaguluhan ay kagustuhan ng Dios o “will of God.”


Nanawagan din ang Maranao leader na dapat palawigin ang kapayapaan para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Ipinaliwanag ni Macapaar na dapat suportahan ang mga proyekto ng gobyerno para sa kabutihan ng lahat.


“Gyangka ang panggulawla a mayor ago so mg aped iyan, na myakalala ini ikipantag rktano, ay sabap iyan, ipinutul niyan rkan imanto, a tigi iyan a pumbaloy iyan a gyangka ingud tano, a opama na, gyangka niyugan, a ktaya kumpleto skanyan a equipment, na kawto inimbitiraay niyan kawto a director sa region 10 a pumagugupaan a masangan tano si kindawan a alim tano ago mga ustadz tano a iminituro iyan a gyangkaya a Kauswagan a adna ulama Council na suportaan niya a Mayor tano,” sabi ni Macapaar.


(Itong mga proyekto ni Mayor kasama ang kanyang mga tauhan ay malaki ang benepisyo sa atin. Kasama sa plano na paigtingin ang agrikultura at pinakita niya sa akin ang kumpletong kagamitan sa pagsasaka at hinikayat niya ang Regional Director na tulungan tayo sa pagpapaunlad na may gabay ng ating mga alim at ustadz. Sa katunayan, binigyang halaga ni Mayor ang Ulama Council, kaya suportahan natin.)


Nanawagan din si Macapaar na suportahan at tangkilikin ang “farm products” ng Kauswagan.

“Pumasa tano sa margas, na saya tano pumasa sa margas (Bumibili naman tayo ng bigas kaya dito na tayo bumili ng bigas). Gawin natin ang Kauswagan na kauswaganon na mulambo ang mga produkto, mga mais, talong, mga utanon. Para dili na ta mupalit sa laing lugar para mulambo pud atong lungsod,” dagdag pa ni Macapaar.


Nanguna si Hon. Abdullah Macapaar, BARMM Member of Parliament at dating MILF leader, sa seremonya at pagdadasal kasama ang mga orihinal na may-ari ng 24-ektaryang lupain sa barangay Paiton, na umano'y naging ugat ng kaguluhan sa Kauswagan, Lanao del Norte. Tumayo bilang saksi sina Mayor Rommel Arnado at Philippine Army Lt. Col. Domingo Dulay at mga kawani ng LGU Kauswagan. (Photo: J.Banque / HRS Media)
Nanguna si Hon. Abdullah Macapaar, BARMM Member of Parliament at dating MILF leader, sa seremonya at pagdadasal kasama ang mga orihinal na may-ari ng 24-ektaryang lupain sa barangay Paiton, na umano'y naging ugat ng kaguluhan sa Kauswagan, Lanao del Norte. Tumayo bilang saksi sina Mayor Rommel Arnado at Philippine Army Lt. Col. Domingo Dulay at mga kawani ng LGU Kauswagan. (Photo: J.Banque / HRS Media)

(Gawin nating mas maunlad ang Kauswagan na umunlad ang mga produkto, mga mais, talong at iba pang gulay, upang hindi na tayo bumili sa ibang lugar para umunlad an gating bayan).

Si Macapaar ay ipinanganak at tubong Kauswagan, kung kaya ang puso’t isipan nito ay para sa mabuting kapakanan ng bayang ito. Matatandaang ilang dekada din nakipaglaban si Macapaar bilang Brigadier Commander ng MILF.


Pinaniniwalaang ang 24-hectare na lupain sa barangay Paiton ay isa sa mga naging dahilan at ugat ng kaguluhan sa northern Mindanao. Ito ang kinahinatnan nang binigyan ng pamahalaan ng pagkakataong magmay-ari ng tig 24-hectare na lupain ang mga dayo sa lugar sa ilalim ng Homestead Act noong 1950s. Inabot ng ilang dekada ang sigalot at sa bayan ng Kauswagan, pinag-ugatan ito ng ‘all-out war’ na dineklara ni dating Pangulong Joseph Estrada laban sa MILF.


Mula noong naupo si Arnado sa posisyon, sinigurado ng alkalde na mabigyan ng importansya ang bawat panig at pinagsikapan nitong makamit ang matiwasay na pamumuhay para sa mga Kauswaganon at unti-unting makamit ang pangmatagalang kapayapaan. Pinakinggan ni Arnado ang mga hinaing ng bawat panig, pinag-isipan at pinag-tuunan ng pansin ang ugat ng kaguluhan at pangangailangan upang ma resolba ang dekadang gulang na hidwaan at kaguluhan.


Upang ma resolba ang hidwaan, binili ng local government unit ang 24-hectare mula sa pribadong pamilya na kasalukuyang nagmamay ari nito at upang kilalanin ang mga orihinal na mga pamilyang Maranao na nagmamay-ari, binigyan din ng kaukulang kompensasyon ang mga ito.


Sinaksihan din ni Macapaar ang ‘cash payout’ at pagpirma ng mga orihinal na may-ari ng lupain sa Waiver of Rights of Claimed Property. Pinangunahan ni Macapaar ang ‘commitment for peace ceremony’ sa pamamagitan ng dasal at panunumpa ng mga pamilya sa banal na Quran, hudyat ng matagalang kapayapaan.

163 views0 comments

Recent Posts

See All