• HRS News

Curfew itinalaga at Longest Boardwalk sa Kauswagan, Lanao del Norte isinara kontra COVID-19



KAUSWAGAN, LDN (16 Mar 2020) - “Walang kaso ng COVID-19 sa Munisipyo ng Kauswagan, Lanao del Norte," ito ang pahayag ni Mayor Rommel Arnado. Upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng publiko, ang buong manggagawa ng lokal na pamahalaan, kasama ang mga opisyales at empleyado, ay nagsagawa ng sumusunod na mga hakbang tanda ng pag iingat upang maiwasan ang banta ng nasabing virus na makapasok at makaapekto sa buong komunidad. Kinansela ng LGU ang lahat ng mga kaganapang pampubliko sa loob ng dalawang lingo at inatasan ng tanggapan ng alkalde ang lahat ng mga opisyal ng barangay na magsumite ng isang imbentaryo ng mga naglalakbay na residente na may kaukulang impormasyon sa kasaysayan ng paglalakbay at para sa barangay na masubaybayan ang anumang mga panganib sa kalusugan. Kasama ang pagbuo ng Barangay Health Emergency Response Teams o BHERTS noong Sabado, 14 ng Marso, itinatag ng Kauswagan Provincial Hospital ang mga sistema ng kontrol sa trapiko ng mga tauhan, pasyente, at panauhin na papasok at labas ng ospital. Ang mga empleyado, opisyal at mga panauhin na pumapasok sa munisipyo ay kinakailangang dumaan sa pagsusuri sa temperatura. Kasabay ng “safety measures” na ipinatutupad ng alkalde ay ang EXECUTIVE ORDER NO. 013, “AN ORDER REIMPOSING CURFEW HOURS TO ALL AGES FROM TEN (10:00) O’CLOCK IN THE EVENING TO FOUR (4:00) O’CLOCK IN THE MORNING WITHIN THE TERRITORIAL JURISDICTION OF THE MUNICIPALITY OF KAUSWAGAN and EXECUTIVE ORDER NO. 014, “AN ORDER OF CLOSURE FOR THE LONGEST BOARDWALK IN THE MUNICIPALITY OF KAUSWAGAN." Naniniwala ang butihing alkalde sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagpasok at pagkalat ng nakamamatay na COVID-19. ###

287 views0 comments

Recent Posts

See All