• HRS News

Buwan ng Nutrisyon, pinaghahandaan ng LGU Kauswagan


Hinahanda ng mga taga Kauswagan ang mga prutas at gulay sa Farm Field Day na regular na ginagawa sa kanilang model organic farm. (Photo: J.Umaran/HRS Media)
Hinahanda ng mga taga Kauswagan ang mga prutas at gulay sa Farm Field Day na regular na ginagawa sa kanilang model organic farm. (Photo: J.Umaran/HRS Media)

Naghahanda ang Munisipyo ng Kauswagan para sa selebrasyon ng buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo 2020.


Inihahanda na mai-highlight ang food security efforts ng local na pamahalaan na sa maraming taon nang nagsisilbing pinagkukunan ng pagkain particular ang communal garden ng bawat barangay at household gardens ng bawat bahay.


Taong 2017 nang naipasa at naaprubahan ang ordinansa na magkaroon ng kanya-kanyang hardin sa mga kabahayan sa ilalim ng administrasyon ni municipal Mayor Rommel Arnado.


Ayon kay Municipal Agriculture Officer Adelino Rico, ang LGU ay naka focus umano sa produksyon ng masustansyang pagkain.


Ginugunita kada taon ang Buwan ng Nutrisyon tuwing buwan ng Hulyo at Ayon kay Rico ay buong taon itong ipinapatupad ng munisipyo.


Ipinagmamalaki ng LGU na nitong panahon ng pandemya ay kayang tustusan ng Kauswagan ang mga pangangailangan ng mga Kauswaganon dahil sa ipinapatupad na “Organic vegetable” production nito.


Ang produksyon ng masustansyang pag kain ay isa sa “long term vision” ng alkalde upang maiahon sa hirap ang kanyang nasasakupan.


Ang pagtatanim ay magbibigay oportunidad sa mga taong nais kumita at mamuhay ng masigla.


Sa selebrasyong ito, magkakaroon ng communal garden contest at panimulang hakbang sa malawakang feeding Program ng munisipyo. Layunin ng LGU, ipapasailalim sa feeding program ang lahat ng elementary schools sa Kauswagan sa darating na pasukan.

26 views0 comments

Recent Posts

See All