• HRS News

Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, pormal na inilunsad sa Lanao del Norte


KAUSWAGAN, LANAO DEL NORTE (25 November 2020) — Pormal na inilunsad ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa (BP2) National Council ang ‘pilot community’ ng proyekto na inaasahang mag-uuwi sa probinsiya ng maraming Pilipinong kasalukuyang naninirahan sa malalaking siyudad ng bansa katulad ng Cebu, Davao at Metro Manila.


Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at National Housing Authority General Manager at BP2 Executive Director Marcelino Escalada Jr. ang programa na ginanap sa 6.3-hectare development site sa barangay Tacub araw ng Martes.

Dumalo din sa nasabing kaganapan ang mga miyembro ng gabenite ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga kasapi din ng BP2 National Council upang magbigay ng kanilang suporta sa itatayong model community.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng mga iba’t- ibang ahensya na may malaking kinalaman sa pagbuo ng nasabing proyekto mula national government at mga regional offices ng mga ito.


Dumalo din sa aktibidad sina Mindanao Development Authority (MinDA) Administrator, Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario, Department of Agriculture Secretary William Dar, Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, at PCOO Secretary Martin Andanar.


Ang mga ahensiya ng TESDA, Department of Trade and Industry, Department of Labor, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Agrarian Reform, PhilRice, at NEDA ay nagpadala din ng mga kinatawan na mga Undersecretaries, Assistant Secretaries, Directors, at mga national at regional work force nila. Ang Presidential Management Staff (PMS) ang nanguna sa koordinasyon sa lahat ng ahensiya.

Sa northern Mindanao, ang Regional Development Council (RDC) Region X ang naaatasang gumanap bilang BP2 regional secretariat na pinangungunahan ng NEDA.


Iginiit ni Escalada ang commitment ng mga ahensiya sa ilalim ng BP2 National Council at sisiguruhin umano ng mga opisyal nito na mabubuo ang mga programa para sa mga benepisyaryo ng BP2.


Dumalo din sa pagtitipon at nagbigay ng suporta and lokal na pamahalaan ng Lanao del Norte sa pamamagitan ni Vice Governor Cristy Atay. Dumating sa Kauswagan si Governor Imelda ‘Angging’ Dimaporo bago magsimula ang programa subalit kailangan nitong tumulak papuntang Kapatagan kung saan tumungo din si Senator Go para sa magbubukas ng Malasakit Center doon.


Ginanap din ang ‘ceremonial turn over’ ng tseke mula sa National Housing Authority para sa Local Government Unit ng Kauswagan.


Sa kanyang mensahe, taus-pusong nagpasalamat si Arnado sa national government sa pamamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Go at lahat ng opisyales ng mga ahensiya nagbibigay suporta upang maging matagumpay ang implementasyon ng BP2 sa Kauswagan.


“Sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na nandito, maraming salamat sa inyong pagpunta sa Kauswagan. Ang suporta at tulong ninyo ay magiging inspirasyon namin upang pag ibayuhin ang aming trabaho,” ayon kay Arnado.


Sa talumpati ni Go, nagbigay ng garantiya ang senador sa pagpapatuloy ng Duterte administration sa pamimigay nito ng suporta sa mga programang may kinalaman sa kaunlaran. Pinasalamatan din ng senador ang mga dumalo sa makasaysayang pagtitipon para sa mga taga Kauswaganon at Lanao del Norte.


“Nagpapasalamat ako sa mga taga Lanao del Norte sa patuloy na suporta ninyo kay Pangulong Duterte at sa akin. Kami naman ang magbabalik sa inyo ng maayos na pagseserbisyo,” ani Go.

Sa naunang ulat ng BP2 National Council noong Agosto 2020, mayroong mahigit 9,000 aplikante mula Lanao del Norte na kasalukuyang nakatira sa Metro Manila, Cebu at Davao na nagpahayag ng kanilang interes sa program. Sa pilot community sa Kauswagan, 200 bahay ang itatayo ang bubuo ang BP2 Regional Secretariat ng mga alituntunin at gabay sa pagpili ng unang 200 na mga benepisyaryo.

72 views0 comments
  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • White Google+ Icon

© 2023 by ​BUSINESS​ CONSULTING.  Proudly created with Wix.com